"Celebrasyon sa Buwan ng Wika"
Sa tuwing Agosto isang beses sa isang taon, ang Celebrasyon ng Buwan ng Wika ay nagaganap sa lahat ng paaralan sa buong Pilipinas. Ito ay isa sa pinakamahalagang celebrasyosyon na pinaghahandaan ng buong bansa.
Dahil sa malaya ang ating bansa, importante na tayo ay mayroong sariling wika. Kaya tayo ay nagkaroon ng ating sariling wikang pambansa na Tagalog. Halos lahat ng tao dito sa Pilipinas ay alam at marunong magsalita ng wikang Tagalog. Maging matanda man o bata ay alam ito, at sa paaaralan din ay tinuturo ang tamang paggamit ng salitang Tagalog sa asignaturang Filipino. Dapat laamg ay mas dapat natin ito gamitin kasya sa iabang lingwahe. Sabi nga nila ay "Filipino Muna!"
Ang WIKA ay buklod. Hindi sana nagkaisa ang mga ninuno natin upang paalisin ang mga mananakop kung hindi sila pinag-isa ng wika. Ito ang nagsilbing buklod upang maipahayag nila sa isa’t-isa ang kanilang mga plano, mga pangarap, ang kanilang adhikain para sa bayan o sa kung ano mang inakala nilang bayan. Hindi ba kapag nakakarinig tayo ng taong nagsasalita gamit ang wika natin ay nabubuhayan tayo? Marahil ay hindi ito alam ng mga taong lumalagi lamang sa isang pook, ngunit kapag nasa dahuyang lugar ang isang tao, and tinig ng sariling wika ay tila musika, tila buklod sa taong nagsasalita nito at nakikinig dito. Kapag ang isang OFW ay nakakarinig ng Filipino, para bang may kakaibang ligaya ang nararamdaman niya. Tila ba kapamilya na agad ang turing niya sa taong nagsasalita nito. At hindi maipagkakaila na ang tatag ng wikang Filipino ay siyang nagpapalakas sa ating buklod sa ating mga kababayan, at siyang nagpapalakas sa ating pagka-Pilipino.
Ang wika ay bahagi nang ating PAMBANSANG KULTURA na dapat natin bigyan ng pansin at palaganapin sa buong bansa. Dahil ito ay isa sa mga mahalaga pamana sa atin ng ating mga ninuno.
Hinihikayat ang madla na makilahok sa mga programang inihanda para sa taóng ito. Pinakatampok sa Buwan ng Wika angPambansang Kongreso sa Wika na gaganapin sa Agosto 19-21, 2013. Ang kongreso ay inaasahang daluhan ng mga dalubhasa sa iba’t ibang larang upang talakayin ang mga napapanahong isyung kinakaharap ng wikang Filipino at mga kapatid na wika nito sa bansa. Nagtipon din ng mga programa at proyekto ang KWF para sa pagdiriwang sa taóng ito sa paglulunsad ng opisyal naPambansang Programa, mula sa iba’t ibang mga pamantasan sa buong Filipinas. Kasama na rin sa hanay ng mga programa ang timpalak sa pagsulat na Gawad KWF sa Sanaysay at ang parangal sa Dangal ng Wikang Filipino na kapuwa taon-taong nagpupugay sa mga indibidwal na nag-ambag para sa pagya ng wika pambansa.
Wika ang pinakamagandang regalo ng Maykapal sa kanyang mga nilalang. Ito ang tanging kasangkapan ng tao sa pakikipag-ugnayan niya sa kapwa, sa asosasyon, sa institusyon at maging sa dakilang Bathala. Malaki ang nagagawa ng wika sa pagkakaroon ng magandang unawaan, ugnayan at mabuting pagsasamahan.
Hinihikayat ang madla na makilahok sa mga programang inihanda para sa taóng ito. Pinakatampok sa Buwan ng Wika angPambansang Kongreso sa Wika na gaganapin sa Agosto 19-21, 2013. Ang kongreso ay inaasahang daluhan ng mga dalubhasa sa iba’t ibang larang upang talakayin ang mga napapanahong isyung kinakaharap ng wikang Filipino at mga kapatid na wika nito sa bansa. Nagtipon din ng mga programa at proyekto ang KWF para sa pagdiriwang sa taóng ito sa paglulunsad ng opisyal naPambansang Programa, mula sa iba’t ibang mga pamantasan sa buong Filipinas. Kasama na rin sa hanay ng mga programa ang timpalak sa pagsulat na Gawad KWF sa Sanaysay at ang parangal sa Dangal ng Wikang Filipino na kapuwa taon-taong nagpupugay sa mga indibidwal na nag-ambag para sa pagya ng wika pambansa.
"Ang KWF ang natatanging ahensiyang pangwika sa
ilalim ng Tanggapan ng Pangulo ng Filipinas. Itinatag sa pamamagitan ng Batas
Republika Blg. 7104 ng 1991, inaatasan itong “tiyakin at itaguyod ang
ebolusyon, pagpapaunlad at pagpapayaman pa ng Filipino na wikang pambansa ng
Filipinas, batay sa umiiral na mga wika ng Filipinas at iba pang wika.”
Hinati din ang pangkalahatang tema sa taóng ito
sa sumusunod na diwa ayon sa medium term plan ng KWF:
·
ANG WIKA NATIN AY WIKA
NG KATARUNGAN AT KAPAYAPAAN · ANG WIKA NATIN AY LABAN SA KATIWALIAN
· ANG WIKA NATIN AY SANDATA LABAN SA KAHIRAPAN
· ANG WIKA NATIN AY WIKA NG MABILISAN, INKLUSIBO AT SUSTENIDONG
KAUNLARAN
· ANG WIKA NATIN AY WIKA SA PANGANGALAGA SA KALIGIRAN
Ang wika ay kapangyarihan. Kapag nais nating hindi tayo maintindihan ng isang dayuhan, kailangan lamang nating gamitin ang ating wika at maitatago na natin ang ating mensahe. Kapag gusto nating mang-api nang hindi man lamang gumagamit ng lakas, kailangan lamang nating magsalita ng masasakit na kataga at sigurado, tuturok na sa damdamin ng ating kinagagalitan ang ating ibig iparamdam sa kanila. Kapag gusto nating manira nang hindi gumagamit ng mga sandata, ilang kataga lamang ang ating kailangang bitawan at kahit isang pamilya ay masisira natin. Ngunit kung gusto nating maghilom ng sugat nang hindi gumagamit ng mga gamot, ilang salitang totoo lamang ay mawawala na ang mga sugat ng naakaraan. Kung gusto nating makawala sa mga galamay ng mga mang-aapi ay kayang-kaya tayong matulungan ng mga malalakas na salita upang mabuo ang bayan at mapalayas ang rehimen ng kasamaan, iyan ay kung may bayan nga tayong matatawag. Kung gusto nating lumakas, kailangang mapatatag natin ang mga mamamayan. At ang pagpapatatag sa mga mamamayan ay hindi kailanman magagawa kung hindi matatag ang ating wika.
Wika pa rin ang pinakamahalagang sangkap sa anumang paraan ng mabisang pakikipagtalastasan at komunikasyon. Kaya ito ay dapat nating pagyamanin at palaganapin.